The other side of MELLOW...

Read my blog, know the other side of me...

Thursday, April 26, 2007

The Play End

This will be the last installment


Now, as the time goes by, Niccolo becomes more attached with Soleil. Soleil is still confused. She still can't accept the fact that she's being hurt. Na hindi siya masaya sa "ka-M.U." niya. Summer time now is in the air, and undecided pa rin siya. She doesn't want to follow Ofelia's advice. Half of her stubborness kasi is pride. Half of it naman, ayaw niyang sisisihin si Ofelia if the relationship doesn't work

Ito naman si Ofelia, todo advice kay Soleil about what to do, to the point na minsan, yun yung nagiging dahilan ng pikunan nila. Kaya she stopped advicing Soleil na lang. Nasasaktan man siya for her friend, but it's still her laban. Kaya she has to support her bestfriend whatever her decision be

Days have past. Dumating na ang araw ng magdedesisyon si Soleil. Ofelia asked her about it. Sinabi naman ni Soleil. And it goes something like

"Lalayuan ko na si Niccolo. I have Bryan(name ng ka-MU). Ayokong makasakit ng dalawang tao..."

Nalungkot naman si Ofelia for Niccolo. pero what can she do, she's only the bestfriend. She can't decide for Soleil. After sabihin ni Soleil yung decision niya, she texted Niccolo to meet her in a coffeeshop in Greenhills

It was a beautiful day for Niccolo. The sun is shining brightly, and he is thinking about Soleil today. He will meet her today sa Bo's. He should look his best. He is planning of bringing pink tulips for Soleil. Pero dahil wala nang time, dumiretso na siya

Niccolo arrived there 6 mins earlier. Dumating na rin si Soleil. They both ordered iced coffee and cream puffs. After a few minutes, Soleil started the conversation and goes something like these:
Soleil: May sasabihin ako sayo pero sana after I said this, sundin mo kasi its a favor.

Niccolo: Bakit? You have a problem?

Soleil: Basta..

Niccolo: Ano nga yun?

Soleil: Basta promise me susundin mo ako...

Niccolo: O sige, promise.. Ano ba yun?

Soleil: Please stop texting me! Wag mo na akong pansinin sa school! Wag ka nang maging mabait sa akin...

Niccolo: Bakit? Anong ginawa ko?

Soleil: Wala kang ginagawang masama at yung ang nagpapa-guilty sa akin!

Niccolo: Bakit?

Soleil: I'm starting to like you at ayoko nang umabot na ma-in love ako sayo!

Niccolo:But..

Soleil: I love Bryan at ayoko siyang masaktan!

Niccolo: Bakit?

Hindi na umimik si Soleil. Umalis siya after she said everything. She left Niccolo confused, miserable and teary-eyed, crying almost. Umuwi siyang walang expression. He is still denying about what happened. Hindi pa masyadong nag-sink in ang lahat sa kanya.

Niccolo wants to cry. But he can't cry. So, ang naging channel niya ng emotions is blogging. He also texts Ofelia. Ofelia naman comforts him. She updates him with Soleil's whereabouts. Days have past. Summer is definitely in. Soleil is with Bryan. She is happy with him.( happy but incomplete?) Medyo sad siya about what happened but atleast, hindi na niya pa masasaktan lalo si Niccolo

Niccolo naman is now happy with grade he got in Literature. He is sad with happened, but now he is trying to move on. Everything that happened between him and Soleil will remain a bitter-sweet memory. As for Ofelia, she is busy with the last part of a tragic play. It was inspired by true events. Ofelia texts Niccolo, every now and then.

Now, they are minding their own business. Soleil is currently attending seminars this summer. Niccolo is in a call center this summer. While Soleil, is getting all preped up for an outing with her family. She has to get the attention of the boys in the resort they are going!

THE END

Tuesday, April 17, 2007

hay naku!

I miss school na!

super!

I'm attending a seminar about theatre arts! Yung sa production!

Kaso, mga bata kasamo ko!

No way!

Sunday, April 15, 2007

and so...

Ito ang usual na effects ng broredom sa sistema ng isang tao in no particular order ha!

1. Mahilig mag-group message. Bakit? Gusto niyang maramdaman niyo ang misery that he/ she feels.

2. Blogger siya. As in updated ang Blog niya, everyday or evry other day. It also shows na marami siyang pambili ng card or naka-broadband or dsl sila di ba?

3. Nagsasalita mag-isa. As in. Kinakausap ang sarili about his/her crush, ambitionsin life at sometimes, mga forbidden fantasy.

4. mahilig mag-plano ng mga outing pero hindi natutuloy. Wala kasing pera eh.

5. Kung anu-ano binubuksan sa internet. Mapa-porn pa yan o kung ano man.

6. Tumataba. Kain nang kain dahil wala ngang magawa.

7. Pumuputi kasi hindi na lumalabas ng bahay.

8. Mahirap utusan ni Itay at Inay. Siyempre, gusto na lang maging stagnant and everything. Nagpapaka-pala this summer huh?!

9. Masungit! Mahirap kausapin baka bigla kang bigwasan. Dahil nga sa init ng panahon at wala namang magawa, naging unproductive ang buhay.

10. Masyandong Emo! Lahat ata ng lovesong na marinig iiyakan, lalo na yung mga NBSB at heartbroken. Dahil nga wlang pinobroblemang iba, lovelife na lang ang pinoproblema!

11. Couch potato! TV addict, laging puyat at late na magising!

12. Madaming alam sa mga vcd at dvd na pinaparent ng Videocity. Kabisado lahat ng linya ng mga vcd at dvd na pag-aari nila.

13. Dry ang skin, magulo ang hair, the epitome od haggard. Kapag walang pasok at walang bisita sa bahay, minsan nakaklimutan ang personal hygiene!

14. Maraming textmate, pero ni isa dun, walng balak i-e.b. wala nga kasing allowance!

15. Tambay sa Mirc at YM. Pampalipas oras!

Tao lang tayo kaya lahat tayo, nararanasan iyon no! *;*

Thursday, April 12, 2007

Mga pang-"Beauty Queen" q and a's!

1. What would you choose? The crown or your love life?
ans: Wow! Thank you for that tough question sir. For me, i would
choose the crown. If I Choose the crown, I can be of greater service and would contribute for the betterment of many people and I am sure, that the person for me would eventually come and we will be happy till death do us part. Thank you very much!
2. What is the most important part of you, you can never without?
ans: The most important part of me that i can never live without is my family. Other people may come and go, but my family will always be with me, and that is the most important part of my life i cannot live without!
3. If you were given a chance, what new language would you like to learn?
ans: I like to learn the language of Jesus Christ, the aramaic. I would like to feel how He spoke the parables and His words of wisdom, when He was stiil living with us. Thank you very much!

My favourite movielines of all times...

Movies that influenced me...
May the force be with you.
-Star Wars
My momma always said life was like a box of chocolates…you never know what you're gonna get.
-Forrest Gump, spoken by Tom Hanks
A life without love, is not life at all...
-Everafter
Dont get mad, get everything!
-First Wives Club
You Complete me!
-Jerry Magguire

ANSWERS TO QUESTIONS...

Alum is just tawas. It is also refered by Europeans as Magic Crystal.

Another information brought to you by MEG* magazine

PEOPLE, I NEED YOUR HELP!

I AM RUNNING OUT OF IDEAS!
PLEASE HELP ME NAMAN!
SHOULD IT BE A HAPPY ENDING?

OR A SAD ONE?

VOTE USING YOUR COMMENTS ON THIS POST !

THIS IS A DISASTER FOR ME AND MY NICKNAME!

Wednesday, April 11, 2007

MY TOP TEN PICKS

So, ito na po ang mga listahan ko ng aking mga favorites...

My TOP TEN FAVORITE: MOVIES

10. Legally Blonde- so cute!

9. Moments of love- kaiyak! super!

8. Sky High- Mag-aral din kaya ako dun? hmm..

7. Tanging Ina- Kakatawa!

6. Everafter- So Cinderella-ish

5. Clueless- I learned how to say "WHATEVER!" the right way.

4. She's All That- a wallflower no more!

3. Never Been Kissed- Makes you think, kailan din kaya ung akin?

2. The Perfect Man- finally, Hilary Duff knows "substancial movies"

1. Akeelah and the Bee- Nakaka-inspire! gusto ko rin sumali sa mga Spelling bee!

this is soooo true!!!

So, wala akong maisip na kwento today, magbibigay ako ng mga helpful tips to everyone! hope makatulong ito sa inyo!




    1. Bronzers can make you look thin. Look at my pic!

    2. Drinking lots of water can make your skin moisturized.

    3. Dove Cream Bar really is effective. For those who doesn't want to feel sticky, use Dove Cream bar for sensitive skin. The box is color green.

    4. If you are a male, do not use PONDS or any products for girls. It only causes break-outs. Use NIVEA for men facial wash. They have 2 variants available in the market. One is for Oily skin, the other one is for normal to dry skin.

    5. If your skin is dry, your glands might produce more oil which results to oily skin. Moistuize!

    6. I can say that after I cry, my skin becomes clearer.

    7. To make your nails naturally shiny, put on petroleum gelly every night.

    8. Flyaways are such disaster! If no hairproduct is around, use lipbalm. It is truely effective.

    9. Pagiging pawisin can now be solved. Put alum in your pangbanlaw sa katawan, and you will feel refreshed all day!

    10. Maging mabait sa lahat ng oras. It would make you feel better that will eventually make you look better!
      I should get paid for this di ba?

The Play part 6

Pagkatpos ng isang madugong pag-iisip nakabuo ulit ako ng isa pang kwento. Is it dahil napagod ako sa Baguio? ahehehe...
Siguro tinatanong niyo kung bakit masyado kung makialam si Ofelia about her bestfriend. First of all, dahil concerned siya. Secondly, baka si Niccolo na ang magdala ng happiness kay Soleil. And lastly, kailangan niya nang gumawa ng bagong story para sa org.
So ayun na nga. Sa isang table, sa may mango tree, ci-nonfront ni Ofelia si Niccolo. Dahil sa play, close na sila ni Niccolo. Andun din yung mga friends ni Niccolo to interact sa isang meaningful discussion about love and life. Madami silang napag-usapan. Marami ding naitanong si Ofelia kay Niccolo at ni isa dun, hindi nasagot! Maraming paliko-liko itong si Niccolo. Natatakot na mabuko? Hmmm... Actually, satisfied na si Ofelia. Obvious naman yung mga non-verbal cues ni Niccolo. Siyempre, kuwento agad si Ofelia kay Soleil. Puro pang-aasar at hagikgikan ang ginawa nila by the phone for like 2 hours! Sinabi naman ni Ofelia na tanungin ni Soleil si Niccolo about his feelings para naman malaman na rin niya.
Kinabukasan, its Soleil's turn to talk to Niccolo. Nag-usap sila sa lugar na super quiet. Sa kung saan, nakikita sila pero di sila naririnig. Matagal silang nag-usap. Mga 1 hour. Hindi nga makatingin si Niccolo kay Soleil. At dun na nga inamin ni Niccolo ang feelings niya for Soleil. Soleil was flattered. She got butterflies when she heard the phrase " the bottomline is, I like you". Hindi muna Love, like lang muna.
Umiinit na ba ang mga tagpo?
Nakakakilig na ba?

Hintayin ang kakaibang ending.

To be continued...

Sunday, April 8, 2007

The Play part 5

This is another installment! I am so inspired to write a sotry tonight eh.
So ayun na! Araw na ng palabas! Every cast is getting ready. Kinokondisyon na ni Ofelia si Soleil para hindi na ito maunahan ng kaba. Si Niccolo naman, nasa gilid lang. Nag-iisip ng malalim. Hindi siya kinakabahan dahil sanay siyang humarap sa maraming tao.Hindi rin mawari ng author kung ano ang iniisip niya.(ahehehe!) The crowd's getting thick inside the auditorium. Everyone's excited to witness Niccolo's acting prowess! He is so famous kaya sa buong campus. Mostly bading at girls ang audience nila.
Sa backstage naman, naghihintay na sila. 5 minutes na lang, start na ng show. Ayan, 3 minutes na lang. Nag-start na ang Musical score. And the play starts.
The Play was going on na. Ayan na, it wwas the most romantic part of the play. Ang pagtatapat ni Damien ng love niya kay Natalie. Everyone was teary eyed sa audience. After Damien, siyempre, aamin din si Natalie. Pagkasabi ni Soleil ng "I LOVE YOU TOO!", may hindi kasama sa play na ginawa ni Niccolo kay Soleil. Nadala si Niccolo sa lines at dahil dun, he kissed Soleil on the lips! Na-shock si Soleil, pati ang ibang cast, pati si Niccolo. Ang audience naman, lalong kinilig. Pero dahil proffesional si Soleil, hinayaan niya yung kiss. The show must go on, nothing should go wrong tonight. After the "incident", the play went smooth. Natapos ang night, and it was a standing ovation performance.
After the play, talk of the campus ang " iloveyou-iloveyoutoo" lines plus the KISS ng dalawa. They became the LOVETEAM! As in! Si Niccolo, hindi na confused. He is sure of his feeling. He like Soleil pala. Kaya ganun na lang siya lagi. Si Soleil naman, kinikilig talga siya! Super! Kaya hindi niya maalis kung bakit siya biglang na-kiss ni Niccolo sa play.
Because of that incident, naging mas close sila Niccolo at Soleil. Mas madalas na silang nagtetext. As in kahit magkalapit lang sila. Baduy nga eh! Napansin din yun ni Ofelia. Nagtatawagan sila ng "Damien" at "Natalie". May naaamoy si Ofelia sa kinikilos ng dalawa. Gusto niya lang malaman. Kasi naman, kung meron ngang nabubuong pag-iibigan, ikakatuwa niya yun para kay Soleil kasi lagi na lang umiiyak itong si Soleil kay Ofelia dahil dun sa ka-M.U. niya! Naiinis na si Ofelia sa kadramahan nito. Ayaw man niya sabihin pero tanga si Soleil eh..
Kaya one day, kinausap niya si Niccolo about the two of them Under a mango tree, sa likod ng college building nangyari ang confrontation...

Sasagot ba si Niccolo?
Aamin Ba siya?
Hmmm...
To Be Continued...

for JM!

ui thank you for being one of my few fanatics!
dahil dyan gagandahan ko pa ag kwento ko.
magiging maganda ang kwento kasi na-witness mo iyon!:)

Saturday, April 7, 2007

The Play part 4

Hindi ko alam kung gaano kadaming installmentang gagawin ko to finish my story. Pero for sure magugustuhan niyo ang aking ending!
Before anything else, magbalik tanaw muna tayo sa past ni Niccolo. He never fell in love sa lahat ng naging girlfriend niya. Pero hindi siya cheater. Kapag may girlfriend siya, one woman-man siya. Flirt siya pero he's not premiscuous. Serious siya sa lahat ng naging girlfriend niya. The problem is, yung girl lagi ang nakikipag-break sa kanya. Kasi naman no, hindi kasi siya sineseryoso ng mga girlfriends niya. Nakakaawa naman di ba? By the way, lahat nga pala ng girlfriends niya, iisa ang beauty type. Maputi, petite at cute. Nung ma-meet niya si Soleil, crush niya agad kasi she is the epitome of Niccolo's type. Kaya nga, he is so caring kay Soleil the past rehearsals eh!
Si Soleil naman. Soleil is a NBSB. May suitors siya, marami. Meron din siyang ka-M.U. Pero lagi siyang sinasaktan. Buti na lang, M.U. lang sila di ba? Napakabait talaga nitong si Soleil. Napakafaithful! Minsan nga, naiinis na si Ofelia sa kanya eh.
Dahil sa play na ito, nagdala ito ng confusion kay Niccolo. Hindi niya alam yung nararamdaman niya. He feels happy kapag break kasi he gets to hang out with Soleil alone. He feels a little sad kapag tapos na yung practice. Basta he just dont know.
Si Soleil naman, medyo confused din. She's kilig lalo na kapag nag-dadaldalan sila ni Niccolo. By the way, they are constant textmates. Kapag nagtitext si Niccolo kay Soleil, ang tawag niya ay "Natalie", yung name nung character sa play.
To Be Continued...

Friday, April 6, 2007

Another Disclaimer!

If ever na may kahawig yung kwento, eh bahala na kayong humusga! nagkataon lang yun...

Critiques please!

The Story Teller would like to hear your constructive criticisms. Feel free
to post!

The Play part 3



im back! the story teller's back with revenge! im here to add
another entry to
satisfy your craving of corny love stories!


So ayun na nga! Nag-audition na si Soleil! Bibigay na ang envelope ng mga pasado sa audition. Ayan na! malapit na malapit na...(heartbeat...) Binuksan at binasa isa-isa.


Congratulations to Soleil! Nakuha siya sa play, at nakuha pa niya ang most coveted na role! Ang bida! She is the leading lady! Yahoo! Buti na lang mahinhin siya at chinita, kasi yun yung nire-require ng role! Ang swerte din niya dahil siya ang naging inspiration ni Ofelia para sa story.


By the way, the story is a combination of Snow white and Romeo and Juliet. Yung girl na "Natalie" ang name ay mai-inlove sa isang bad boy na ang name ay "Damien". Si Natalie ay ang Sole Heiress ng isang sikat na Advertising Agency na pinatayo ng kanyang parents. Si Damien naman, was the blacksheep of the family and will also be the next CEO of the arch rival ng family nila Natalie. Magiging forbidden love affair ang takbo, pero sa huli, mapaglalaban nila ang kanilang pag-iibigan.

At ayun na nga, dumating na ang day of rehearsals. Everyone was on time, even Niccolo! Si Soleil din ay ready na to meet his partner. May mga routines sila that day para hindi sila magka-ilangan sa isa't isa. At first, reluctant siya sa mga routines kasi it requires a lot of body contact at hindi siya sanay sa mga boys. Si Niccolo naman, who is a perfect gentleman, was very patient with Soleil, kaya nung natapos yung rehearsal, panatag na ang loob nila sa isa't isa.

Many days of practices have come and gone. Paulit-ulit na rin ang batuhan ng lines nila Soleil at Niccolo na ang laging laman ay "I love you!". Madaming nakapansin na maganda ang Chemistry ng dalawa. They look good together. Kapag practices nga, madaming kinikilig eh! Isa na dun yung director! Kaya hindi masyadong mainit ang ulo ng director lalo na sa kanila.

Kinikilig din si Niccolo sa mga lines niya. Hindi niya alam kung bakit. Si Soleil ganun din. Hindi maintindihan ni Niccolo yung na-fi-feel niya whenever he's around Soleil. He just feels happy. Si Soleil naman, nagtataka sa sudden changes sa pakikisama ni Niccolo. Kung nung mga unang araw ng practice, gentleman lang siya, pero lately, super thoughtful pa! Pero, hindi niya muna pinapansin. She has to focus more on the play.

Kinikilig ka na ba?

Saan Hahantong ang tagpong ito?

Magakakatuluyan ba sila?

To be continued...


disclaimers anyone?

The characters and events in the entries are fictatious. Any similarity to real

persons, living or dead, is coincidental and not intended by the author.